4 out of 5 Pinoy mas naaakit sa katalinuhan — SWS

4 out of 5 Pinoy mas naaakit sa katalinuhan — SWS

by Powered by DWIZ
34 views

Apat sa bawat limang Pilipino ang mas naaakit sa katalinuhan ng isang indibidwal kaysa sa ganda ng katawan.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 81% ng mga Pilipino ang naakit sa katalinuhan ng isang indibidwal.

Habang 19% naman ang nagsabi na mas naakit sila sa may magandang katawan.

Samantala, mas malaking porysento rin ng kababaihan ang mas naakit sa katalinuhan kumpara sa mga kalalakihan kung saan lumabas na 83% ng mga babae ang mas gusto ang matatalino, kumpara sa may magandang katawan.

0 comment

Related Posts