4 na Pinoy na estudyante sa New Zealand hindi pinapasok sa eskwelahan dahil sa COVID-19 outbreak

4 na Pinoy na estudyante sa New Zealand hindi pinapasok sa eskwelahan dahil sa COVID-19 outbreak

by Powered by DWIZ
33 views

Hindi pinayagang pumasok sa eskwelahan ang apat na Filipinong estudyante sa New Zealand dahil sa pangambang makahawa ng COVID-19 ang mga ito sa kanilang mga kaklase.

Batay sa ulat ng isang news agency sa New Zealand, tumangging papasukin ng papakura normal school ang naturang mga estudyanteng may edad pito hanggang 12 taong gulang matapos magbakasyon ng mga ito sa Pilipinas para bisitahin ang kanilang mga kaanak.

Pinayuhan umano ng paaralan ang pamilya ng mga estudyante na mag “self-isolate” ng 14 na araw para makatiyak na hindi apektado ng COVID-19 ang mga bata.

Ngunit iginiit ni ginang Mary Jane Dumalaon, ina ng dalawa sa mga estudyante na walang ipinakitang sintomas ng sakit ang kaniyang mga anak.

Dahil dito humingi ng paumanhin ang pamunuan ng nasabing paaralan at pinayagan na ring makapasok sa kanilang klase ang mga bata.

0 comment

Related Posts