4 na bagong kaso ng polio sa bansa naitala ng DOH

4 na bagong kaso ng polio sa bansa naitala ng DOH

by Powered by DWIZ
21 views

Nadagdagan pa ang mga nagkakasakit ng polio sa bansa.

Ito ay matapos na maitala ng Research Institute of Tropical Medicine ang 4 na bagong kaso ng polio.

2 ang naitalang may sakit na polio sa Maguindanao isang lalaki at babae may edad 2 at 3.

Isang bagong kaso sa Sultan Kudarat edad 2 taong gulang na batang lalaki at 3 taong gulang na batang lalaki naman mula sa Quezon City.

Dahil dito, sumampa na sa 16 ang kaso ng polio sa bansa.

Kaugnay nito, muling umapela ang DOH sa mga magulang na samantalahin ang vaccination drive ng ahensiya laban sa polio.

0 comment

Related Posts