3X3 events ngayong taon kinansela ng FIBA

3X3 events ngayong taon kinansela ng FIBA

by Powered by DWIZ
29 views

Inanunsiyo ng FIBA na wala nang magaganap na 3×3 competitions ngayong taon bunsod pa rin ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Bunga nito, kanselado na ang ilang events tulad ng FIBA 3×3 Under-23 Nations League, FIBA 3×3 Under-17 Zone Cups, at apat na World Tour events sa Prague, Lausanne, Los Angeles, at Nanjing.

Samantala, inusod naman ang dalawang Olympic qualifying tournaments (OQTs) sa 2021 kasunod ng postponement ng Tokyo Olympics.

Ang qualifying tournaments o OQTs ay itinakda mula Marso 18 hanggang 22 ngayong taon sa Bengaluru, India, kung saan kasama sana ang Pinoy top-ranked players na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol,  CJ Perez at Moala Tautuaa.

0 comment

Related Posts