Home Headlines 31 Chinese nationals arestado sa illegal online gambling

31 Chinese nationals arestado sa illegal online gambling

0

Arestado ang tatlumpu’t isang (31) Chinese nationals matapos masangkot umano sa illegal online gambling sa Muntinlupa City.

Huli sa akto ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga suspek habang isinasagawa ang operasyon ng online gambling sa isang bahay sa Ayala, Alabang matapos nila itong salakayin sa bisa ng search warrant na inilabas noong 2013.

Isinailalim naman sa forensic examination ang mga nakuhang cellphone, computer at iba pang electronic device sa naturang bahay at nakumpirmang ginagamit nga ang mga ito sa cybercrime activities.

Mahaharap sa kasong paglabag sa cybercrime prevention act, access devices regulation at illegal gambling in relation to cybercrime prevention act ang mga naarestong suspek.

—-

 

 

31 Chinese nationals arestado sa illegal online gambling was last modified: July 27th, 2018 by Jennelyn Valencia

Exit mobile version