32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

3 OFW sa Hong Kong na naka-quarantine dahil sa COVID-19 nakalabas na

- Advertisement -

Natapos na ang quarantine period ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong matapos na magkaroon ng contact sa isang taong positibo sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate sa Hong Kong, nakabalik na sa trabaho ang mga ito matapos na hindi magpakita ng anomang sintomas at nanatiling malusog.

Samantala, apat na Pilipino na lamang ang nasa ilalim pa ng quarantine ngunit asymptomatic naman ang mga ito.

Nilinaw ng konsulada na wala pang Pilipinong nagpositibo sa COVID – 19 sa Hong Kong.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -