35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

3 hinihinalang miyembro ng Robberty Group patay sa engkwentro sa Q.C.

- Advertisement -

Patay ang 3 hinihinalang miyembro ng isang Robbery Group matapos maka-engkwentro ang pulisya sa Quezon City.

Kinilala lamang ang mga nasawing suspek sa mga alyas na Jeffrey, Nono at Bert na sinasabing mga kasapi ng Hermosa Robbery Group na nasa likod umano ng talamak na hold up at panloob sa mga tahanan.

Ayon kay Police Col. Enrico Vargas, Deputy Director for Operations ng QCPD, nakatanggap sila ng impormasyon na nasa bahagi ng biak na bato Barangay Sto. Domingo ang grupo.

Nang sitahin aniya nila ang mga ito bigla na lamang silang pinaputukan dahilan kaya gumanti sila na nauwi naman sa engkwentro.

Nakatakas naman ang hinihinalang lider ng grupo na si Nonoy Hermosa

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -