35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

2nd wave ng COVID-19 outbreak, nararanasan na ng bansa — Duque

- Advertisement -

Nararanasan na ng Pilipinas ang second wave o ikalawang bugso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee of Whole kahapon.

Ayon kay Duque at batay rin aniya sa pahayag ng epidemiologist na si Dr. John Wong, ang first wave ng COVID-19 outbreak sa bansa ay nag-umpisa noong Enero nang magpositibo sa sakit ang tatlong Chinese nationals mula sa Wuhan, China.

Aniya, ang second wave ng COVID-19 ay nagsimula noong Marso nang magkaroon ng local transmission sa bansa at tumaas ng husto ang kaso ng naturang sakit.

Samantala, nagbabala naman ang kalihim sa posibilidad na pagkakaroon ng ikatlong bugso o third wave ng COVID-19 ngayong patapos na umano ang ikalawang bugso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -