35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

2 sindikato ng droga at ilang pulitiko posibleng nasa likod ng pananambang sa Lanao Del Sur

- Advertisement -

Dalawang sindikato ng droga at ilang pulitiko ang posibleng nasa likod ng pananambang na ikinasawi ng limang ahente ng Lanao Del Sur.

Ayon kay Undersecretary Aaron Aquino, Director General ng PDEA, may pangalan na sila ng sampung bumira sa kanilang mga ahente at may lima hanggang anim na persons of interest na kinabibilangan ng ilang pulitiko.

Sinabi ni Aquino na posibleng gumanti sa kanila ang mga nasaling ng kanilang puspusang anti drugs operations sa Lanao Del Sur.

Samantala, dinis-armahan na at tinanggal ng PNP ang mga pulis na nagsilbing escorts ng PDEA nang mangyari ang ambush.

Iniimbestigahan na rin anya ng PNP kung bakit biglang nag overtake sa sasakyan ng PDEA at tuluyan silang iniwan ng kanilang mga police escorts, ilang minuto bago nangyari ang ambush.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -