2 patay sa pananalasa ng buhawi sa Indonesia

2 patay sa pananalasa ng buhawi sa Indonesia

by Powered by DWIZ
22 views

Patay ang dalawa katao sa pananalasa ng buhawi sa Indonesia.

Sinabi ni Raditya Jati tagapagsalita ng National Disaster Mitigation Agency pito katao rin ang nasugatan sa nasabing buhawi na tumama sa tulang bawang district sa Lampung Province.

Mahigit 200 kabahayan sa tatlong barangay ang napinsala at nawalan ng supply ng kuryente.

Nailikas naman ng mga otoridad ang mga apektadong residente para maalis ang debris sa mga nasabing lugar.

0 comment

Related Posts