33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

2 pang lugar sa Quezon City isinailalim sa special concern lockdown

- Advertisement -

Nadagdagan pa ng dalawa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa special concern lockdown.

Huling idinagdag ang Certeza Compound sa barangay Culiat at Alley 2 Homart Road sa barangay Baesa, Quezon City.

Batay sa liham na ipinadala ni assistant city admistrator for operations Alberto Kimpo sa Department of Interior and Local Government (DILG), isa lamang ang kaso ng COVID-19 sa Certeza Compound ngunit matao ang lugar kung kaya’t mas mainam na isailalim rin ito sa special concern lockdown.

Nasa siyam naman ang kaso at isa ang namatay sa COVID-19 sa Alley 2 Homart Road na isa ring mataong lugar.

Dahil dito, magsasagawa na rin ng rapid testing at random raid testing sa dalawang lugar.

Pinag-aaralan naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon City na palawigin ang naunang ipinatupad na special concern lockdown sa 11 lugar mula sa limang barangay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -