36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

2 Chinese arestado matapos manutok ng baril sa Pasay

- Advertisement -

Arestado ang dalawang Chinese national matapos manutok ng security guard sa Pasay City.

Ayon kay Police Lt. Col. Deanry Francisco Acopa ng Pasay City Police, sinita ng mga security guards na sina Carlitos Mesias at Loreto Muñez ang mga Chinese nationals dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga ito.

Gayunman, bigla na lamang umanong nanutok ng baril ang mga dayuhan nang lapitan ng mga guwardya.

Nakuhanan ng pulisya ang mga suspek na sina Chen Long Xu at Liu Sheng Zhen ng baril at kutsilyo.

Napag-alamang dati nang kinasuhan ng panghoholdap ang mga suspek sa Maynila at Las Piñas subalit nakalaya lamang matapos magpiyansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -