29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

2 arestado kabilang na ang isang high value target sa magkakahiwalay na buy bust operations sa MIMAROPA

- Advertisement -

Dalawa ang arestado sa isinagawang operasyon ng pambansang pulisya sa magkakahiwalay na drug buy bust operations sa mga lalawigan ng Mindoro at Palawan.

Kinilala ng mga awtoridad drug suspek na si Adan Castillo, 62 taong gulang na itinuturing ding high value target at kilalang operator ng iligal na droga sa mga bayan ng Roxas at Bulalacao, lalawigan ng Oriental Mindoro.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Mindoro Provincial Police Office, PDEA Region 4-B o MIMAROPA sa Barangay Dangay sa bayan ng Roxas.

Nakuha kay Castillo ang tatlong sachet ng umano’y shabu, dalawang cellphone, 3,000 pisong buy bust money at isang kulay puting Mitsubihi Lancer na may plate number VRB 553.

Samantala, isa pang suspek ang naaresto sa Barangay Model sa Puerto Princesa City sa palawan na kinilalang si Jose Reyes Talapian, 19 na taong gulang.

Nakuha ng mga operatiba ng Police Station 1 Drug Enforcement Unit mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at 500 pisong buy bust money.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ng Roxas Municipal Police Station at Police Station 1 sa Puerto Princesa ang dalawang naarestong drug suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -