19 na katao patay dahil sa forest fire sa China

19 na katao patay dahil sa forest fire sa China

by Powered by DWIZ
37 views

Patay sa forest fire ang 19 na katao sa Southwestern China.

Batay sa report, tinupok ng nagngangalit na apoy ang kabundukan sa Xichang sa Sichuan Province.

Kabilang sa mga biktima ang 18 bumbero at isang forest guide habang pinapatay ng mga ito ang apoy.

Kasunod nito, agad na nagpadala ang mga awtoridad ng nasa 100 truck ng bumbero, apat na helicopter, at tinatayang 90 bumbero na tutulong sa pagpatay ng sunog.

Dahil dito higit 1,000 katao na ang ini-evacuate.

Sa panulat ni Ace Cruz.

0 comment

Related Posts