30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

16 katao patay sa riot sa bilangguan sa Mexico

- Advertisement -

Patay ang 16 katao sa naganap na riot sa isang bilangguan sa Zacatecas State sa Mexico.

Ang nasabing insidente na naganap sa regional center for social reintegration sa bayan ng Cieneguillas ay itinuturing na isa sa pinakamalalang karahasan sa penal system ng nasabing bansa.

Sinasabing soccer game ang pinagmulan ng naturang gulo kung saan lima pang preso ang nasugatan.

Matapos ang riot, isang preso ang nahulihan ng armas samantalang tatlo pang baril at maraming kutsilyo rin ang narekober ng mga otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -