Radio Philippines Network
Image default
National News

15 hours na pagsasanay sa mga accredited driving schools isinusulong ng LTO

Kakailanganin nang magkaroon ng 15 oras na pagsasanay sa mga accredited driving schools ang mga mag-aapply ng student driving permit.

Ito’y ayon sa Land Transportation Office (LTO) upang matiyak na may sapat na kaalaman sa batas trapiko at tamang asal sa kalsada ang isang aplikante.

Ang desisyon na ito ng LTO ay bunsod nang naganap na aksidente sa Makati City noong Miyerkules ng gabi, kung saan inararo ng isang pampasaherong jeep ang pedestrian lane sa JP Rizal sa naturang lungsod na ikinamatay ng isang estudyante at ikinasugat ng pitong iba pa.

Ayon kay LTO Licensing Section Chief Richard Cortez, hindi puwedeng basta-basta na lamang uupo sa manibela ang isang indibidwal nang walang sapat na kaalaman sa pagmamaneho ng sasakyan.

Batay sa datos ng MMDA, aabot sa 11,999 na city buses drivers ang lumalabag sa batas trapiko.

Samantala, sinabi naman ni Makati Chief Pol. Rogelio Simon na walang lisensiya ang driver na si Crizalde Tamparong, ang tsuper na nakasagasa sa mga naturang estudyante, kung saan nagpositibo rin ito sa pag-gamit ng illegal na droga sa ikinasang initial drug testing ng mga otoridad.

Related posts

Banta ni Pangulong Duterte sa mga telcos posibleng magresulta sa pagkawala ng foreign investments sa bansa

Powered by DWIZ

Senador Binay nag-leave bilang president ng UNA

Powered by DWIZ

VP Robredo kumasa sa hamon ng PDEA na sumama sa anti-illegal drug ops

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More