14,000 pulis ipinakalat para sa seguridad sa SONA ni Pangulong Duterte

14,000 pulis ipinakalat para sa seguridad sa SONA ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
135 views

14,000 pulis ang ipinakalat ng NCRPO sa Metro Manila para sa seguridad sa magiging State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, malaking bahagi nito ay i de- deploy sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City.

Kabilang sa tututukan ay ang isasagawang kilos protesta sa may gawi ng Commonwealth at kilos suporta naman ng mga Duterte supporters sa IBP Road.

Kaugnay nito, isinara ang kahabaan ng Commonwealth kaninang alas 2:00 ng hapon ilang oras bago ang mismong SONA ng pangulo.

“Kung pagbabasehan natin noong nakaraang taon, siguro mga 15,000 basta wala tayong maging problema dahil ma-a-accommodate naman sila dito sa paglalagyan nila ng location.” — Pahayag ni NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar

0 comment

Related Posts