31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

12,000 high-value drug targets hindi pa rin naaresto ng mga otoridad

- Advertisement -

Aabot sa labing dalawang libong high-value drug targets ang nanatiling at-large o ‘yung mga hindi pa rin naaresto ng mga otoridad.

Ito’y ayon kay Phil. Drug Enforcement Agency Dir. Gen. Aaron Aquino, kung saan sinabi nito na umaasa siya na mas maraming high-value target ang maaresto bago pa man matapos ang termino ni Pang. Rodrigo Dutere.

Una rito, sinabi ni Aquino na pasok sa kanilang listahan ng mga high value target ang ilang tiga-media, artista at mga opisyal ng gobyerno.

Kaugnay nito, tumanggi naman si PDEA na isapubliko ang listahan ng kanilang high value target dahil mawawalan aniya ng saysay ang kanilang trabaho.

Paliwanag ni Aquino, patuloy kasi ang kanilang mga isinasagawang case build up sa mga ito at posibleng maka-sama pa sa kanilang operasyon kung isasapubliko nila ang nasabing listahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -