29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

11 Kristiyano binitay ng ISIS sa Nigeria

- Advertisement -

Inako na ng Islamic-State Militants ang karumal-dumal na pagpatay sa 11 Kristiyano sa hilagang silangang bahagi ng Nigeria.

Ito ay matapos na maglabas ng video ang rebeldeng grupo kung saan makikita ang 11 kalalakihan na nakapiring ang mga mata atsaka pinatay ng naturang grupo.

Sa nabanggit na video na tumagal ng halos isang minuto lamang sinabi rin ng isang miyembro ng Islamic-State Militant na ang kanilang pagpatay sa mga nasabing kalalakihan ay upang maipahatid ang kanilang mensahe sa lahat ng mga Kristiyano sa buong mundo.

Kaugnay nito mariing kinondena ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang naturang pag-patay at tiniyak na patuloy ang kanilang pagtugis sa rebeldeng grupo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -