34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

₱50M Multipurpose Building Ng PAGCOR Para Sa Bayan Ng Pili, Camarines Sur Posibleng Hindi Na Maibigay Dahil Sa Hindi Pagpapalabas Ng Resolusyon Ng Sangguniang Bayan

- Advertisement -

Namemeligrong hindi makuha ng lokal na pamahalaan ng Pili, Camarines Sur ang ₱ 50 million worth of Multipurpose Building/Evacuation Centers na ibinigay sana ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa hindi pa pagpapalabas ng resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Pili.

Ito ang inihayag ni Maureen Saunar, Municipal Information Officer ng Pili-LGU. Sabi ni Saunar, ang bola ay nasa kamay ngayon ng lokal na konseho ng bayan.

Isa na lang kasi ang hinihintay na requirement ng PAGCOR para tuluyang mai-award ang nasabing halaga sa Pili at ito ay ang resolusyon na magmumula sa Sanggunian na nagbibigay pahintulot o otorisasyon sa alkalde ng bayan na pumasok sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa tinatalakay sa konseho ang kahilingan ng Local Chief Executive na matagal na daw nakabinbin.

Pangamba ng pamahalaang lokal, baka hindi na ito mangyari dahil ang bawat proyekto mula sa alinmang ahensya ng pamahalaan ay mayroong timeline.

Lahat daw ng mga hinihinging requirements ay kanila ng naibigay maliban sa resolusyon na magmumula sa Sanggunian.

Malaking tulong daw sana kung matuloy ang pagpapatayo ng nasabing gusali sa Brgy. Cadlan dahil bukod sa maaari itong gawing evacuation centers tuwing may kalamidad ay marami pa itong mapaggagamitan sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

(Source: BNFM Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -