33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

₱10-B tirang pondo ng DSWD para sa SAP natuklasan ng senado

- Advertisement -

Natuklasan sa pagtatalakay ng senado kaugnay sa proposed 2021 budget na mayroon pang natitirang sampung bilyong pisong pondo ang Department of Social Welfare And Development (DSWD)

Paliwanag ni DSWD Secretary Rolando Bautista, ang naturang pondo ay mula sa ikalawang tranche ng SAP kung saan bumaba umano sa labing apat na milyong pamilya ang benepisyaryo mula sa dating labing walong milyong mahihirap na pamilya.

Aniya, natanggal kasi sa listahan ang mga pamilyang nakatanggap na rin ng ayuda mula sa ibang ahensya gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA)

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng DSWD ang direktiba ng DBM o Department of Budget and Management kaugnay sa kung ano ang gagawin sa natitirang sampung bilyong piso.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -