Zsa Zsa Padilla ibinunyag na naikasal nuon sa isang Hapon

by Powered by DWIZ
0 comment
Zsa Zsa Padilla ibinunyag na naikasal nuon sa isang Hapon

Tuloy na ang kasal ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa pagpapakasal niya sa kanyang fiance na si architect Conrad Onglao.

Ito ay matapos na opisyal nang maipawalang bisa ang kasal ni Zsa Zsa sa iang Japanese guy na hindi pa niya nakikita o nakikilala man lamang.

Inamin ni Zsa Zsa na ito ang dahilan kaya’t hindi matuloy tuloy ang kanilang kasal ng kanyang partner.

Sinasabing ikinasal si Zsa Zsa sa naturang Hapon nuong June 29, 1992 sa Manila City Hall.

Napatunayan ni Zsa Zsa sa korte na nasa ibang bansa siya sa tinukoy na date kaya’t hindi posibleng naikasal siya nun.

Ayaw nang balikan ni Zsa Zsa ang naturang usapan ang mahalaga aniya ngayon ay finally matutuloy na ang kanyang muling pagpapakasal.

Related Posts