Radio Philippines Network
National News

Yellow at red alert itinaas muli sa Luzon grid – NGCP

Nananatiling manipis ang reserbang kuryente sa Luzon ngayong araw na ito.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa halos 11,000megawatts ang available capacity sa Luzon grid at nasa mahigit 10,000megawatts naman ang peak demand.

Dahil dito, muling itinaas ang yellow at red alert ngayong maghapon.

Epektibo ang yellow alert alas-8 hanggang alas-10 ng umaga, alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi at alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.

Nakataas naman ang red alert status alas-10 ng umaga hangang alas-4 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi.

Related posts

Unloading ng mga basura ng Verde Soko ilalarga na ng MICT

Powered by DWIZ

San Juan mayor kuntento sa paraan ng pagresolba sa hostage-taking sa Greenhills

Powered by DWIZ

PCGG hinihintay lamang ang pormal na kautusan ni Pangulong Duterte sa pagsusubasta ng mga alahas ni dating Imelda Marcos

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More