Nagtapos na sa kolehiyo ang aktres na si Yasmien Kurdi sa kursong AB Political Science sa Arellano University.
Proud na nagmartsa kahapon ang aktres sa kanyang graduation sa PICC at makamit ang titulong magna cum laude sa kanyang kurso.
Sa isang social media post ni Kurdi ay hindi nito naitago ang kanyang kagalakan sa kanyang nakamit at lubos ang kanyang pasasalamat sa mga naging inspirasyon nya sa kanyang pag-aaral.
Pinayuhan din ni kurdi ang mga working students na huwag tumigil sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
Dapat din aniyang maging positibo at isipin na ang buhay ay isang proseso ng pagkatuto.
Sa lahat aniya ng kanyang naranasang hirap at pagsubok ay sulit naman anya ang naging bunga nito.