Xian Gaza pinaghahanap na ng PNP; kaso laban dito pinag-aaralan na ng BI

by Powered by DWIZ
0 comment
Xian Gaza pinaghahanap na ng PNP; kaso laban dito pinag-aaralan na ng BI

Pinag-aaralan na ng Bureau of Immigration (BI) ang kasong isasampa laban kay Xian Gaza, ang lalakeng nag-post sa social media kung paano niya nalusutan ang Immigration kahit mayroon siyang tatlong warrant of arrest at conviction.

Ayon kay Dana Sandoval, Spokesperson ng BI, hindi nila papayagang gawing katawa-tawa ng sinuman ang prosesong sinusunod nila sa paliparan.

Binigyang diin ni Sandoval na hindi rin nila mapapalusot ang paggamit ng sinuman sa BI para lamang sumikat sa social media.

Inihalintulad ni Sandoval sa isang action movie ang kuwento si Gaza.

Una rito, isinalaysay ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account na nakalabas siya ng bansa noong September 30 gayung mayroong tatlong warrant of arrest laban sa kanya.


PNP

Umapela naman sa publiko ang Philippine National Police (PNP) na ipagbigay alam sa kanila kung may nalalaman silang impormasyon sa kinaroroonan ni Xian Gaza para sa agarang ikadarakip nito.

Kaugnay ito sa post sa social media ni Gaza na nagawa niyang makalabas ng bansa kahit na mayroon syang tatlong warrant of arrest.

Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, patuloy ang ginagawa nilang monitoring at pangangalap ng impormasyon sa kinaroroonan ni Gaza.

Si Gaza ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang imbitasyon niya sa aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng malaking billboard.

—-

 

 

 

 

 

 

Related Posts