Wizards wagi kontra Magic

by Powered by DWIZ
0 comment
Wizards wagi kontra Magic

Wagi ang Washington Wizards sa kanilang paghaharap kontra Orlando Magic na nagwakas sa iskor na 100 – 90.

Nanguna sa pagkapanalo ng Wizards sina Bradley Beal na tumipa ng dalawampu’t tatlong (23) puntos at Thomas Bryant na may dalawampu’t isang (21) puntos.

Nag-ambag rin sa kanilang pagkapanalo si Jabari Parker na nakapagtala naman ng labing siyam (19) na puntos.

Samantala, pinangunahan naman ni Nikola Vucevic ang magic sa kanyang dalawampung (20) puntos.

Tumulong rin sa Magic sina DJ Agustin na may labing-anim (16) na puntos at Aaron Gordon naman sa kanyang labingtatlong (13) puntos.

Nakatakda namang makasagupa ng Wizards ang koponan ng Charlotte Hornets sa Sabado, habang makakaharap naman ng Magic ang Cleveland Cavaliers bukas.

—-

 

 

 

Related Posts