Winwyn Marquez, hindi na sasali sa Binibining Pilipinas

by Powered by DWIZ
0 comment
Winwyn Marquez, hindi na sasali sa Binibining Pilipinas

Kinumpirma ngayon ng beauty queen na si Winwyn Marquez na hindi na siya sasali sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, pinili niyang huwag sumali dahil sa mga naunang commitment at mga nakalinyang proyekto.

Aminado ang bente sais anyos na beauty queen na masakit sa kanyang hindi makasali sa Binibining Pilipinas ngunit may mga bagay aniyang hindi maaaring pagsabaysabayin.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Winwyn sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa kanyang kakayahan.

Matatandaang 2015 nang unang sumali sa Binibining Pilipinas si Winwyn kung saan ay nagtapos ito sa top 15 habang 2017 nang makoronaha naman siya bilang Reina Hisapano Americana matapos ang matagumpay niyang karera sa Miss World.

Related Posts