Westbrook bukas na mailipat sa ibang team

by Powered by DWIZ
0 comment
Westbrook bukas na mailipat sa ibang team

Bukas si dating NBA MVP Russell Westbrook ng Oklahoma Thunder na mailipat sa ibang team lalo na sa Miami Heat.

Kasunod na rin ito nang pag-‘ober da bakod’ ng teammate ni Westbrook na si Paul George sa Brooklyn Nets para maka-tandem si Kawhi Leonard.

Sinasabing si Westbrook ay kinausap ng kanilang general manager na si Sam Presti na maaari itong i-trade para wakasan na ang 11 taong pananatili sa Thunder.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang diskusyon ng agent ni Westbrook na si Thad Foucher sa ibang team na nagnanais makuha ang serbisyo nito.

Ang 30-anyos na basketbal superstar ay mayroon pang natitirang kontrata sa Oklahoma na $170-million mula sa four-year contract.

Related Posts