Water level sa Angat patuloy na bumababa

by Powered by DWIZ
0 comment
Water level sa Angat patuloy na bumababa

Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa La Mesa Dam ngayong araw habang patuloy namang bumababa sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA, naitala sa 72.16 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam kaninang 6 ng umaga na bahagyang mataas mula sa 72.6 meters kahapon.

Habang bumaba naman sa 159.45 meters ang water level sa Angat Dam ngayong umaga mula sa 159.69 meters kahapon.

Gayundin, bumaba rin ang antas ng tubig sa iba pang dam tulad sa Binga, Pantabangan, San Roque at Magat Dam.

Related Posts