Water level sa Angat dam bahagyang bumaba — PAGASA

Water level sa Angat dam bahagyang bumaba — PAGASA

by Powered by DWIZ
0 comment 30 views

Bahagyang bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa tala ng PAGASA, naitala kaninang 6 a.m. sa 189.63 meters ang water level ng Angat dam, mas mababa ito ng 0.11 meters kumpara sa 189.74 meters na naitala kahapon.

Bahagya ring bumaba ang antas ng tubig sa mga dams ng Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya.

Samantala, bahagya namang umangat ang lebel ng tubig sa San Roque at Pantabangan dams.

0 comment

Related Posts