Radio Philippines Network
Headlines National News

Water interruptions sa Metro Manila nakaamba

Nanganganib na muling maranasan ang mga water interuptions dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa tala ng PAGASA, hanggang Miyerkules ay nasa 164.48-meters ang level sa Angat Dam.

Ito ay mas mababa sa normal high water level na 210-meters.

Ang kasalukuyan umanong antas ay ang pinakamababang lebel na naital noong July 2014 kung saan naitala ang pagbagsak ng lebel ng tubig hanggang 162.74-meters.

Dahil dito, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng makaranas ng water service interruption o mababang kalidad ng tubig sa oras na magpatuloy pa ang pagbaba ng lebel ng tubig sa 160-meter level.

Bunsod nito naghahanda na ang mga regulators at water concessionaires ng posibilidad ng mababang lebel ng tubig na pwedeng maging dahilan ng water supply interruptions.

Related posts

Aplikasyon para sa P5-K cash aid sa mga manggagawa tinanggihan ng ilang employer —DOLE

Powered by DWIZ

Sanggol sa Beijing, China nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD

Powered by DWIZ

Bagyong Tisoy bahagyang humina tinutumbok ang direksyon ng Catanduanes

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More