Walton tuluyan nang tinanggal bilang head coach ng Los Angeles Lakers

by Powered by DWIZ
0 comment
Walton tuluyan nang tinanggal bilang head coach ng Los Angeles Lakers

Tuluyan nang naghiwalay ng landas ang koponan ng Los Angeles Lakers at head coach nitong si Luke Walton.

Ito’y dahil sa anim na taong pagkabigong makapasok sa NBA playoffs ng Lakers at pagtala ng pinakamababang 37-45 win-loss record sa kanilang karera ngayong season.

Nagsilbi ng dalawang season si Walton para sa Lakers at naging susi rin sa pagkuha ng koponan kay Lebron James.

Pinasalamatan naman ni Lakers General Manager Rob Pelinka si Walton dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang pinasok na larangan.

Samantala, tinitignan namang papalit kay Walton ang dating coach ng Cleveland Cavaliers na si Tyronn Lue.

Related Posts