28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Walang ‘spill over’ sa isinasagawang operasyon kontra BIFF—militar

- Advertisement -

Tiniyak ng Philippine Army na walang mangyayaring spill over ang labanan ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Army Major Arvin Encinas, Spokesman ng 6th Infantry Division na mayroon silang istratehiya upang matunton agad ang mga nagsisitakas na miyembro ng BIFF pagkatapos ng kanilang sagupaan.

Ayon kay Encinas, kumbinsido sila na napatay na sa isa sa kanilang mga engkuwentro si Commander Marrox, pinuno ng isa sa mga paksyon sa BIFF.

“Hindi po magkakaroon ng spill over itong ating ginagawang focused operations, we have enough forces sa area natin, they are deployed in strategic areas na possible routes of withdrawal ng mga grupong ito, sinisigurado natin na wala pong magiging spill over itong ginagawa nating mga operation.” Pahayag ni Encinas

(Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -