Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

WALANG PASOK | SETYEMBRE 23, 2019 (LUNES)

Hanggang 2pm lamang ang pasok sa lahat ng mga Korte sa buong bansa ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23.

Ito ang inanunsyo ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang pagdiriwang sa ‘National Family Week’ alinsunod na rin sa rekomendasyon ng National Committee on Filipino Family sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Layon aniya ng pinaikling oras ng trabaho sa mga Korte ang hikayatin ang kanilang mga kawani na makasama at makasabay sa pagkain ang kani-kanilang mga pamilya.

Kasabay nito, hanggang 2pm lang din ang pasok sa mga estudyanrte sa lahat ng public schools at government employees sa:

  • Mandaluyong City
  • Navotas City

Samantala sa Pasig City naman ay kanselado na ang tanghaling pasok ng mga estudyante sa public schools, at hanggang 2pm lang din ang pasok ng mga government employees

Ipinagdiriwang ang National Family Week sa bansa mula Setyembre 23 hanggang 28.

Samantala, tumatayo naman bilang Acting Chief Justice si Carpio habang nasa business trip sa ibang bansa si chief justice lucas bersamin.

Related posts

Pagiwas sa pagdadala ng meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF ipinanawagan

Powered by DWIZ

Lakers wagi kontra Denver Nuggets sa Game 1 ng WCF

Powered by DWIZ

Sister Patricia Fox binigyan ng temporary visa ng BI

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More