Walang magiging dagdag-singil sa pasahe sa MRT-3 – DOTr

by Powered by DWIZ
0 comment
Walang magiging dagdag-singil sa pasahe sa MRT-3 – DOTr

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na walang magiging dagdag-singil sa pasahe sa MRT Line 3 (MRT-3).

Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang rehabilitasyon na ginagawa sa naturang tren.

Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, hanggat walang nakikitang sapat na dahilan o makakaapekto sa serbisyo ng linya ay malabong magkaroon ng dagdag-singil sa pasahe.

Gayunman, patuloy ang kanilang pagtutok aniya sa ginagawang pagsasaayos sa MRT para maging alternatibo ring paraan ng pagbiyahe ng mga commuter na karaniwang dumadaan sa EDSA.

Inaasahan din kasi umano nila ang railways bilang isang paraan para makagaan ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Related Posts