35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Walang demolisyon sa pagtatayo ng Metro Manila Subway—DOTr

- Advertisement -

Napaghandaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng puwedeng maging problema sa pagtatayo ng Metro Manila Subway.

Sa panayam ng DWIZ, tinukoy ni DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran ang pagsisikip ng trapiko at mga posibleng maapektuhan kapag naghukay na para sa linya ng subway.

Ipinaliwanag ni Libiran na tanging sa mga istasyon lamang ng subway magkakaroon ng problema sa trapiko.

Hindi aniya makakaabala ang paghuhukay dahil may lalim itong katumbas ng labing anim (16) na palapag ng gusali kaya’t hindi makakaabala sa mga nasa itaas ng lupa.

Sinabi ni Libiran na isa pa sa mga apektado ng konstruksyon ang mga residente sa mga lugar na pagtatayuan ng mga istasyon ng subway.

Tiniyak ni Libiran na walang demolisyong magaganap dahil mahigpit ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi puwedeng mag-demolish hangga’t walang relocation sites para sa mga apektadong residente.

Sa depot pa lamang aniya ng subway sa Valenzuela ay nasa halos dalawandaang (200) pamilya ang apektado subalit naihanap na ng relokasyon.

“Handa naman po kami diyan ang nasa isip at nasa puso namin ay matapos itong proyekto, kasi ito pong project na ito ay kailangang-kailangan ng mga tao ito eh, kaya ipaiintindi po namin sa kanila ‘yan, kung kailangang makipagtulungan sa mga appropriate agencies ay gagawin po namin.” Pahayag ni Libiran

 (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -