Walang binayad na ransom sa pagpapalaya ng 3 Pinoy engineers – DFA

Walang binayad na ransom sa pagpapalaya ng 3 Pinoy engineers – DFA

by Powered by DWIZ
0 comment 61 views

Walang ibinayad na ransom para sa pagpapalaya ng tatlong (3) Filipino engineers na sampung (10) buwang dinukot ng armadong grupo sa Libya.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., hindi naglabas ng kahit sentimo para mapalaya ang mga nasabing manggagawang Pinoy.

Iginiit ni Locsin, higit pa sa pera ang dahilan ng paglaya ng 3 dinukot na Pinoy at ito aniya ay ang tulong mula sa matagal nang mga kaibigan ng Pilipinas.

Samantala, hindi naman inako ni Locsin ang kredito engineers kasabay ng pagpapasalamat sa mga tumulong para sa paglaya ng mga nasabing Pilipino.

Una nang napaulat na napalaya ang 3 Filipino engineers at ang kasama nilang South Korean dahil sa pagtutulungan ng UAE government at Libyan National Army.

0 comment

Related Posts