Wag na magsisihan sa tumataas na kaso ng tigdas — Gordon

by Powered by DWIZ
0 comment
Wag na magsisihan sa tumataas na kaso ng tigdas — Gordon

Hindi dapat magsisihan sa gitna ng problema sa tumataas na kaso ng tigdas.

Payo ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon kina Health Secretary Francisco Duque III at PAO Chief Atty Persida Rueda-Acosta na ang bangayan aniya sa isyu ng dengvaxia ay hindi nakakatulong sa problema sa measles outbreak.

Sinabi ni Gordon na dapat magtulungan muna para maresolba ang outbreak ng tigdas at kasuhan na lamang kung may sapat na ebidensya sa mga nagpabaya sa isyu naman ng dengvaxia.

Una nang binanatan ni Duque ang grupo ni Acosta na nagpakalat aniya ng hindi beripikadong impormasyon na may namatay sa dengue vaccine kaya’t maraming magulang na ang natakot pabakunahan ang kanilang mga anak.

Related Posts