UN secretary-general aminadong alarming ang problema sa iligal na droga
October 12, 2018
Taas presyo ng Noche Buena products mararamdaman sa weekend — DTI
October 12, 2018

Villar nangunguna sa senatorial survey — SWS

Villar nangunguna sa senatorial survey — SWS

Nanguna si Senadora Cynthia Villar sa senatorial election survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa naturang survey na kinomisyon ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino, nakakuha si Villar ng 53 percent na voters preference.

Kapwa nasa ikalawa at ikatlong pwesto naman sina Senadora Grace Poe at Congresswoman Pia Cayetano na nakakuha ng 43 percent.

Sumunod naman sina Senador Koko Pimentel at Lito Lapid habang nakuha naman ni dating Senador Jinggoy Estrada ang ika-anim na pwesto.

Nasungkit naman ni dating Senador Mar Roxas ang ika-pitong pwesto, tie naman sina Senador Nancy Binay at Senador Sonny Angara sa ika-walo at ika-siyam na pwesto.

Pang sampu naman si BuCor Chief Ronald Dela Rosa at kinumkumpleto naman nina dating Senador Serge Osmeña at Ilocos Norte Gov Imee Marcos ang top 12.

Isinagawa ang survey nuong Setyembre 15 hanngang 23 sa 1,500 respondents.

Comments are closed.