Vice Ganda may bago na nga bang karelasyon?

Vice Ganda may bago na nga bang karelasyon?

by Powered by DWIZ
0 comment 84 views

Usap-usapan ngayon sa social media ang revelation di umano ng komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa tunay na estado ng kanyang love life.

Kumakalat ngayon ang usapin sa relasyon nila ng kanyang kasamahan na kilala bilang si “Kuya Escort” sa isang noon time show kung saan host si Vice.

Nai-intriga ngayon ang mga tagahanga ni vIce at ni “Kuya Escort” o si Ion Perez kung hanggang sa tunay na buhay na nga ba ang sweetness ng dalawa.

Kumalat umano ang mga larawan at posts sa social media kung kailan nangyari di umano ang pag-amin nina Vice at Ion sa taping ng isang late-night program.

Saksi pa raw sina Charo Santos at Bea Alonzo na nagkataong guests sa naturang programa.

Samantala, ayon sa mga netizens na nagpost ng larawan ng dalawa, umamin si Ion sa relasyon nila ni Vice dahil nahihirapan na siyang itago pa ito sa mga nagtatanong ukol sa tunay nilang ugnayan.

—-

 

 

 

0 comment

Related Posts