‘Vetoed funds’ sa 2019 budget tiniyak na hindi makakaapekto sa mga legislative districts

by Powered by DWIZ
0 comment
‘Vetoed funds’ sa 2019 budget tiniyak na hindi makakaapekto sa mga legislative districts

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi maka-a-apekto sa mga legislative districts ang ginawang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 95.3 billion pesos na infrastrature projects mula sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang negatibong epekto ang ginawang pag veto ni Pangulong Duterte sa mga distrito na sanang tatanggap nito.

Kaugnay nito, muli namang dinipensahan ni Panelo ang ginawang pag veto ng pangulo kung saan sinabi nitong nararapat lamang ang naging hakbang ni Pangulong Duterte at kailanman ay hindi nito pahihintulutan ang anumang uri ng korapsiyon sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Related Posts