28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Verbal agreement nina Duterte at Xi iligal – ex DFA sec, ex ombudsman

- Advertisement -

Iginiit nina dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na iligal ang verbal agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping hinggil sa pangingisda sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos talakayin ni Pangulong Duterte ang naturang isyu sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).

Ayon kina Carpio at Morales, iligal ang kasunduan dahil nakasaad sa konstitusyon na ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay para lamang sa mga mangingisdang Pilipino.

Paliwanag ng mga ito, hanggat hindi nababago ang saligang batas ay walang opisyal na otoridad para payagan ang mga dayuhan na mangisda sa EEZ ng bansa.

Matatandaang binanggit ng pangulo sa kanyang SONA na kahit na may United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS) ay maari pa ring makipag-sunduan ang Pilipinas sa ibang bansa hinggil sa EEZ ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -