Utang ng bansa nitong Marso pumalo sa P7.8-T

by Powered by DWIZ
0 comment
Utang ng bansa nitong Marso pumalo sa P7.8-T

Pumalo na sa P7.8 trillion pesos ang utang ng Pilipinas noong Marso.

Ito ay batay sa datos ng Bureau of Treasury (BTR) kung saan mas mataas ito ng 13.4 percent, kumpara sa P6.8 trillion na naitalang utang ng bansa, sa kaparehong buwang noong 2018.

Samantala, matatandaang nasa P7.49 trillion naman ang outstanding debt ng pamahalaan nito lamang buwan ng Enero.

Ayon sa BTR, ang lumalagong domestic debt ng Pilipinas ay bunga ng mga inutang ng gobyerno upang mapondohan ang iba’t ibang proyekto ng pamahalaan, at dahil na rin sa pag-hina ng piso kontra ibang salapi.

—–

Related Posts