Usapin sa political dynasty ipinauubaya na ng Palasyo sa taumbayan

by Powered by DWIZ
0 comment
Usapin sa political dynasty ipinauubaya na ng Palasyo sa taumbayan

Ipinauubaya na ng Palasyo sa taumbayan ang pagde desisyon sa usapin ng political dynasty.

Kasunod ito ng naging tagumpay ng mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa eleksiyon na sina sa Congressman Paolo Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte at Vice Mayor Sebastian Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, iba ang dynamics kapag sa usapin ng local na elections dahil ang mga residente ang siyang nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa kanila.

Kung maayos naman aniya ang pamumuno ng ilang dynasty sa kanilang termino ay tiyak na ibabalik sila ng taumbayan.

Una na rin aniyang sinabi ng pangulo na mayroong mga dynasty na nakakabuti para sa mga Pilipino habang mayroon rin namang nakakasama.

Related Posts