US at China trade negotiators muling mag uusap sa linggong ito

US at China trade negotiators muling mag uusap sa linggong ito

by Powered by DWIZ
101 views

Muling mag uusap ang trade negotiators ng Amerika at China sa loob ng linggong ito.

Gayunman, ayon kay U.S Treasury Secretary Stern Mnuchin, sa telepono lamang at walang itinakdang face to face na pag uusap ang mga trade officials.

Ang pag uusap ay may kaugnayan pa rin sa trade war sa pagitan ng Amerika at China.

Nitong nakaraang buwan, muling itinaas ni U.S President Donald Trump ang buwis sa may 200 bilyong dolyar na halaga ng Chinese imports.

Isa umano ito sa mga dahilan kaya’t bumaba sa pinakamababang lebel sa nakalipas na 20 taon ang ekonomiya ng China.

0 comment

Related Posts