UP magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon sa July 16 para sa UPCAT

UP magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon sa July 16 para sa UPCAT

by Powered by DWIZ
0 comment 89 views

Magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon ang University of the Philippines (UP) para sa kanilang college entrance examination sa July 16, Martes.

Ito ay para sa mga estudyanteng papasok na sa kolehiyo sa susunod na taon.

Sa anunsiyo ng UP office of admissions, itinakda ang deadline ng aplikasyon para sa  mga regional public high school sa August 2, regional private high school sa August 9, Metro Manila public school sa August 16 at Metro Manila private high school sa August 3.

Isasagawa naman ang University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) sa October 5 at 6.

0 comment

Related Posts