35.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Umento sa SSS contribution epektibo na

- Advertisement -

Epektibo na ngayon araw, Abril 1 ang dagdag na kontribusyon sa mga miyermbro ng Social Security System (SSS).

Batay sa inilabas na contribution schedule ng SSS, madadagdagan ng isang porsyento ang contribution rate para sa mga SSS members mula sa dating labing isang porsyento.

Ibig sabihin, magreresulta ito sa apatnaraang pisong buwanang kontribusyon mula sa dating 363 pesos para sa isang empleyado na kumikita ng P10,000 kada buwan habang P737 naman ang kailangang i-remit ng employer nito.

Kasabay nito, tataas din naman ang minimum monthly contribution para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa P960 mula sa kasalukuyang P550.

Sa ilalim ng bagong Social Security Act of 2018, target nitong paubutin sa 15 porsyento ang monthly SSS contribution rate sa taong 2025.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -