Umento sa sahod ng mga guro sigurado na ngayong taon

by Powered by DWIZ
0 comment
Umento sa sahod ng mga guro sigurado na ngayong taon

Makakaasa ng omento sa sahod ang mga pampublikong guro ngayong taon.

Ito ang tiniyak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa groundbreaking ng Gregorio National High School sa Bulakan Bulacan.

Ayon kay Pangulong Duterte, kanya nang nakausap si Budget Secretary Ben Diokno hinggil sa nabanggit na taas sahod sa mga guro.

Dagdag pa ng Pangulo, nakahanda siyang makipag-usap sa mga kinatawan ng mga guro kasama si Education Secretary Leonor Briones para bumuo ng kasunduan kaugnay ng kanilang omento sa sahod.

Gayunman, binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi dapat kasama sa pulong ang mga miyembro ng makakaliwang grupo.

“I can maybe accommodate your representatives, go to Malacañang, but not the Left. They claim they are not communists. Let us not fool each other. I’ve been there.”

“I am willing to strike a deal in the presence of (education) secretary (Leonor) Briones, with the teachers. You can choose the date, January, do it fast, then we can make even an agreement or manifesto, choose whatever kind of document.” Pahayag ni Pangulong Duterte

—-

 

 

 

 

Related Posts