35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ulat ng bagong ‘emir’ ng ISIS sa PH beberipikahin

- Advertisement -

Magsasagawa ng sariling beripikasyon ang Department of National Defense (DND) sa ulat na hinirang bilang bagong emir ng international terrorist group na ISIS sa Pilipinas si Hatib Hajan Sawadjaan.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kabila ng naunang impormasyon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año hinggil dito.

Ayon kay Lorenzana, may kaniya-kaniyang istratehiya ang AFP at PNP sa pagberipika ng mga ulat at impormasyon kaya makabubuti aniyang hindi mula sila magkomento sa usapin.

Magugunitang tinukoy ni Año si Sawadjaan bilang bagong pinuno ng ISIS sa Pilipinas batay na rin sa impormasyon ng Estados Unidos.

Ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -