Ulat na nagbitiw na sa puwesto si Albayalde ‘fake news’ — PNP

Ulat na nagbitiw na sa puwesto si Albayalde ‘fake news’ — PNP

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang ulat na nagbitiw na siya sa puwesto.

Ito ang binigyang diin ni Albayalde matapos kumalat ang usap-usapan na nagpasa na siya ng courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, maka-ilang beses na niyang sinabi na ipinauubaya niya ang kaniyang kapalaran sa pangulo.

Paliwanag nito, kung sakali man na mag-desisyon si Pangulong Duterte na sibakin siya sa puwesto ay maluwag naman niya itong tatanggapin at igagalang niya sinuman ang italaga ng pangulo bilang PNP Chief.

0 comment

Related Posts